Pagluluto ng Isang Simpleng Ulam – Adobong Manok (Prosidyural)

Una, ihanda ang lahat ng sangkap para sa adobo tulad ng manok, bawang, toyo, suka, paminta, at dahon ng laurel. Hugasan muna ang manok nang maigi at ilagay sa isang malaking mangkok. Durugin ang bawang at haluin ito kasama ng toyo at paminta. Ibabad ang manok sa timpla kahit 15 minuto. Kapag handa na at natapos na ang 15 minuto.

Maari munang Ilagay ang binabad na manok sa kaldero at idagdag ang suka at dahon ng laurel. Huwag muna haluin hanggang sa kumulo ang suka. Pagkatapos kumulo, hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang manok. Kapag malambot na ang manok. Maaari ring magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

Tikman ang sabaw at lagyan ng kurot na asin kung hindi sapat ang lasa. Haluing mabuti ito at hayaang kumulo ng ilang minuto. At kapag kumulo na dapat ay hindi kulang ang nilagay mong pampalasa. Siguraduhin na ang sabaw ay sapat na makapal upang ang lasa ay maipamahagi nang maayos. E lagay ito kasama ng mainit na kanin at tikman ang lasa ng lutong bahay.


Comments

Popular posts from this blog

Kahalagahan ng Sports sa mga Kabataan-(IMPORMATIBO)

Paglalaro ng Billiard - (deskriptibo)