Paglalaro ng Billiard - (deskriptibo)

Ang paglalaro ng billiard ay isang libangan na puno ng kulay at sigla. Sa tuwing papasok ka sa isang billiard hall, agad mong maririnig ang kalansing ng mga bola sa ibabaw ng mesa. Ang malamlam na liwanag mula sa ilaw sa itaas ay nagpapalinaw sa berdeng tela ng lamesa. At nakaka akit rin ang kulay ng bola. Makikita mo rin kung gaano kagaling ang mga manglalaro pag nasa loob ng bilyaran.


Kapag humawak ka ng taco, mararamdaman mo ang kapangyarihan ng pag-eensayo at pagtuon. Bawat tira ng bola ay hinihingi ang tamang lakas, anggulo, at kontrol. Minsan ay malakas ang tunog ng pagbangga ng mga bola, at minsan naman ay banayad lang na dumudulas ang mga ito. Mapapansin mo rin kung paano gumagalaw ang mga manlalaro na parang mga maestro sa entablado. Ang kanilang mga mata ay nakatutok, pinaplano ang susunod na tira tulad ng isang henyo.


Natututo ang mga manlalaro magpokus, magtsaga, at mag-isip nang maaga. Sumasabay din dito ang masayang kwentuhan at halakhak ng magkakaibigan. Kapag may natamaan na bola sa tamang bulsa, may halong tuwa at gulat ang mararamdaman. Ang bawat panalo o pagkatalo ay nagiging bahagi ng alaala sa mundo ng billiard. Matututo karing tumanggap ng pagkatalo at maging mabuting mang lalaro.

Comments

Popular posts from this blog

Kahalagahan ng Sports sa mga Kabataan-(IMPORMATIBO)

Pagluluto ng Isang Simpleng Ulam – Adobong Manok (Prosidyural)