Posts

Showing posts from January, 2026

Paglalaro ng Billiard - (deskriptibo)

Ang paglalaro ng billiard ay isang libangan na puno ng kulay at sigla. Sa tuwing papasok ka sa isang billiard hall, agad mong maririnig ang kalansing ng mga bola sa ibabaw ng mesa. Ang malamlam na liwanag mula sa ilaw sa itaas ay nagpapalinaw sa berdeng tela ng lamesa. At nakaka akit rin ang kulay ng bola. Makikita mo rin kung gaano kagaling ang mga manglalaro pag nasa loob ng bilyaran. Kapag humawak ka ng taco, mararamdaman mo ang kapangyarihan ng pag-eensayo at pagtuon. Bawat tira ng bola ay hinihingi ang tamang lakas, anggulo, at kontrol. Minsan ay malakas ang tunog ng pagbangga ng mga bola, at minsan naman ay banayad lang na dumudulas ang mga ito. Mapapansin mo rin kung paano gumagalaw ang mga manlalaro na parang mga maestro sa entablado. Ang kanilang mga mata ay nakatutok, pinaplano ang susunod na tira tulad ng isang henyo. Natututo ang mga manlalaro magpokus, magtsaga, at mag-isip nang maaga. Sumasabay din dito ang masayang kwentuhan at halakhak ng magkakaibigan. Kapag may natama...

Pagluluto ng Isang Simpleng Ulam – Adobong Manok (Prosidyural)

Una, ihanda ang lahat ng sangkap para sa adobo tulad ng manok, bawang, toyo, suka, paminta, at dahon ng laurel. Hugasan muna ang manok nang maigi at ilagay sa isang malaking mangkok. Durugin ang bawang at haluin ito kasama ng toyo at paminta. Ibabad ang manok sa timpla kahit 15 minuto. Kapag handa na at natapos na ang 15 minuto. Maari munang Ilagay ang binabad na manok sa kaldero at idagdag ang suka at dahon ng laurel. Huwag muna haluin hanggang sa kumulo ang suka. Pagkatapos kumulo, hinaan ang apoy at hayaang lumambot ang manok. Kapag malambot na ang manok. Maaari ring magdagdag ng tubig kung kinakailangan. Tikman ang sabaw at lagyan ng kurot na asin kung hindi sapat ang lasa. Haluing mabuti ito at hayaang kumulo ng ilang minuto. At kapag kumulo na dapat ay hindi kulang ang nilagay mong pampalasa. Siguraduhin na ang sabaw ay sapat na makapal upang ang lasa ay maipamahagi nang maayos. E lagay ito kasama ng mainit na kanin at tikman ang lasa ng lutong bahay.

Kahalagahan ng Sports sa mga Kabataan-(IMPORMATIBO)

Ang isports ay napakahalaga sa kabataan dahil nakakatulong ito sa pagbuo ng malusog na katawan. Sa pamamagitan ng regular na ehersisyo, nakikita ang mga kalamnan at buto. Nakaliligtas din sa mga sakit tulad ng lubos na katabaan at pagkakaroon ng altapresyon (hypertension). Kaya nga marapat itong gawing bahagi ng araw-araw nilang gawain ang paglabas sa sports. At dahil dito nakakaiwas sila sa mga anumang gwain tulad ng mga drugs. Aside sa kalusugan, tulad sa iba, nakatutulong din ang sports sa pag-unlad sa pag-uugali ng kabataan. Natututo silang sumunod sa patakaran at magpakatapat sa laro. Malaki rin ang importansya ng paggalang sa kapwa manlalaro at harapin ang pagkatalo. At gayun man natututo silang ayusin ang kanilang mali. Para sila ay hindi mawawalan ng pag asa habang nag lalaro. Malaki rin ang sports sa pagbuo ng panawagan. Maraming kabataan ang nakakakilala sa bagong kaibigan sa loob pa rin ng sports complex na kung saan sila ay naglalaro. Natututo rin silang makipagtulungan at ...